TINGNAN | Bayan ng Agoncillo wagi sa katatapos lamang na Trade Fest 2025.
Tinanggap ng ating mga kawaning sina Ms. Charlyn Dela Luna, Fatima Santos at Gerald Angulo ang premyong isang daang libong piso na papremyo mula sa pamunuan ng Barako Fest 2025 na pinangunahan ni SenCongSec Ralph G. Recto, Former Governor Vilma Santos-Recto, Aspiring Vice Governor Luis "Lucky" Manzano, at Aspiring Congressman ng 6th District ng Batangas Ryan Christian Recto.
Ito ang unang beses na sumali ang ating Bayan sa nasabing patimpalak. Nakuha ng Bayan ng Rosario ang Unang Pwesto at Ikatlong Pwesto naman ang Bayan ng San Juan. Labin-limang Bayan at Lungsod ang naglaban laban. Tunay na nakakatuwa sapagkat isa tayo sa mga nagwagi at muli na naman nating pinatunayan na ang "Agoncillo ay Bayan ng mga Mananalo"
Isang pagbati sa ating Lokal na Pamahalaan sa Pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes.


0 Comments