Ngayon na ang huling araw ng pagtatampok ng Trade Fest kung saan ipinapakita ang iba't ibang produkto ng mga bayan at lungsod sa probinsya ng batangas.
Bata man o matanda ay natutuwa sa kanilang pag bisita sa ating ginawang booth. Makulay ito at puno ng kwento.
"Kahapon narito ang aking mga anak at apo, kaganda nga kaya kaming mag-asawa ay nagparine din" - Kay sarap pakinggan ng mga ganitong komento ng ating mga bisita.
Parine na rin kayo, timusi at lasapin ang ganda at lasa ng mga produktong tatak Magandang Agoncillo.



0 Comments