DOLE REGION IV-A NAGPAABOT NG TULONG PARA SA MGA KABABAYAN NATING NASALANTA NG BAGYONG KRISTINE | Plaza Elena Covered Court.




 DOLE REGION IV-A NAGPAABOT NG TULONG PARA SA MGA KABABAYAN NATING NASALANTA NG BAGYONG KRISTINE | Plaza Elena Covered Court.

Kanina ay isinagawa ang Payout Distribution ng anim na daan (600) nating kababayan na naging TUPAD Beneficiaries at nakatulong natin sa pagsasaayos ng mga pangunahing daanan sa mga barangay ng Panhulan, Subic Ibaba, Subic Ilaya, Bilibinwang at Banyaga.
Taos pusong pasasalamat ang nais ipaabot ng ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes sa pamunuan ng Department of Labor and Employment IV-A CALABARZON sa tulong na ito.
Patuloy pa rin ang kanilang paglapit sa iba't ibang ahensya upang maihatid sa ating mga kababayan ang iba't ibang tulong.
Maraming Salamat DOLE CALABARZON!

Post a Comment

0 Comments