"Nakakatuwa po, masaya po ang mga bata at mga Senior sa kanilang natanggap na regalo mula sa ating mga bisita,Kahapon po ay may libre ng Medical ay mayroon pang regalo ngayon, Maraming Salamat po"-Ito ang mga salitang binitawan ng ilan sa ating mga kababayan na nakatanggap ng regalo mula sa ating mga kaibigang Nurses mula sa Philippine Nurses Association of Metropolitan D.C., Inc.
Isinagawa ang kanilang 3-Day Free Medical and Dental Mission at Gift Giving Project sa ating G. Brotonel Events Center. Mababakas sa mukha ng ating mga kababayan ang saya at pasasalamat sa pagkakataong ito.
Nagpapasalamat din ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at ang pamunuan ng Municipal Health Office sa mga kaibigan nating kagaya nila sa patuloy na pagtulong at pagsuporta sa ating mga kababayan.
Mula po sa bayan ng Magandang Agoncillo, Maraming Maraming Salamat po!



0 Comments