Walang pinipiling araw ang paglilingkod, kaya naman kahit Linggo, back to back ang mga programa sa ating bayan.

 





Walang pinipiling araw ang paglilingkod, kaya naman kahit Linggo, back to back ang mga programa sa ating bayan.

Nakiisa ang ating full of energy na Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa ating mga Child Representatives mula sa iba’t-ibang barangay sa kanilang ginawang gift giving sa mga bata sa Barangay Banyaga.
Pinangunahan ito ng ating Municipal Child Rep na si Dan Gabriel V Reyes. Pagkatapos maipamahagi sa mga bata ang kanilang gifts na bags at school supplies ay ibinahagi naman ni Gab ang kanyang munting papasko sa mga kapwa child rep niya.
Suminsay din si Mayor Cindy sa ongoing na Medical at Dental Mission sa Barangay Pansipit. Personal niyang pinasalamatan ang mga volunteer doctors at ibang health care professionals na galing sa Seventh Day Adventist Medical Team.
Nagsasagawa sila ng consultation, laboratory, pap smear, minor surgeries, libreng reading glasses, libreng bunot at iba pa ngayong araw.

Post a Comment

0 Comments