MGA NATATANGING KAWANI NG PNP, BFP at PCG, PINARANGALAN

🇵🇭✨
Hindi mawawala sa isip ng bawat Agoncillian lalo’t higit sa mga taga Brgy. Panhulan, Subic Ibaba, Subic Ilaya, Bilibinwang at Banyaga ang ating mga pinagdaanan noong nanalasa ang Bagyong Kristine sa ating Bayan. Marami sa mga kababayan natin ay nawalan ng tirahan, ari-arian at mayroon naman din na nawalan mahal sa buhay.
Sa paghagupit ng Bagyong Kristine, hindi rin natin maitatago ang mga kwento ng kabayanihan na ipinakita ng mga kawani ng ating Lokal na Pamahalaan at mga kaibigan natin mula Philippine National Police (Agoncillo) sa pangunguna ni Sir Broderick Noprada, Bureau of Fire Protection (Agoncillo) na pinamumunuan ni Sir Jasper Jay Gengos at ng Philippine Coast Guard Sub-Station Agoncillo.
Kanina sa ating Flag Raising Ceremony ay ginawaran sila ng Certificate of Appreciation and Commendation sa bisa ng Resolution No. 354-12-2024 at inaprubahan ng ating Sangguniang Bayan sa pamumuno ng ating butihing Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes.
Pasasalamat at pagsaludo ang ipinaaabot ng ating masipag na Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pambayang Administradoe Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ng Lokal na Pamahalaan sa mga bayani nating kaibigan na nakasama natin upang matulungan ang ating mga kababayan sa gitna ng panganib na hatid ng Bagyong Kristine.
Muli, maraming salamat po!

Post a Comment

0 Comments