DRY RUN NG PROPOSED TRUCK BAN SA BAYAN NG LEMERY, ISASAGAWA NGAYONG IKA-9 HANGGANG IKA-11 NG DISYEMBRE 🇵🇭✨



 DRY RUN NG PROPOSED TRUCK BAN SA BAYAN NG LEMERY, ISASAGAWA NGAYONG IKA-9 HANGGANG IKA-11 NG DISYEMBRE

🇵🇭✨
Sa bisa ng Executive Order No. IAN-52 ng butihing Punong Bayan ng Lemery, Kgg. Ian Kenneth M. Alilio, ang bayan ng Lemery ay magsasagawa ng Dry Run ng Truck Ban sa Illustre Avenue (Mula Tulay na nagdudugtong sa Lemery at Taal hanggang Barangay Mahayahay) at sa Diversion Road (Mula Ayao-Iyao hanggang tulay ng Cawit/ Laguile). Ito ay mangyayari sa darating na ika-9 hanggang ika-11 ng Disyembre 2024 mula ika-6:00 ng umaga hanggang ika-8:00 ng umaga at ika 3:00 ng hapon hanggang ika-6:00 ng gabi.
Pinapaalalahanan po ang ating mga motoristang kababayan lalo’t higit ang mga mayroong 10-wheeler o higit pang Truck na bawal munang dumaan ang inyong mga sasakyan sa nasabing daanan, ngunit ang mga sasakyang gaya ng Truck ng Basura, Truck ng Gobyerno at mga Truck na naglalaman ng Perishable o Essential Goods ay hindi kasali sa nasabing Dry Run.
Upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng inisyatibong ito, ang Lemery Municipal Police at ang Traffic Management Group, sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Mayor at sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ay mahigpit na makikiisa sa pagpapatupad ng panukalang ito.
Ang atin pong lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel Reyes at mga miyembro ng Sanggunian ay umaasa sa inyong pakikiisa.

Post a Comment

0 Comments