AGONCILLO SOFTBALL TEAM, MULING NAKUHA ANG KAMPEONATO NG DIVISION ATHLETIC MEET 2024 🇵🇭✨





 AGONCILLO SOFTBALL TEAM, MULING NAKUHA ANG KAMPEONATO NG DIVISION ATHLETIC MEET 2024

🇵🇭✨
Muli na namang nakuha ng ating SMART AGONCILLO Softball Team mula Subic Elementary School ang kampeonato sa Soft Ball Elementary sa isinagawang Division Athletic 2024.
Ang ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ay bumabati sa inyong natatanging tagumpay!
Congratulations Agoncillo Softball Team!
Pasasalamat po sa ating mga coaches, trainers, at masisipag na mga guro ng Subic Elementary School sa pamumuno ni Ma’am Jennifer Cabello.
Asahan ninyo ang palagiang suporta at tiwala ng ating Lokal na Pamahalaan sapagkat ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng ating bayan!

Post a Comment

0 Comments