DAGDAG MAGANDANG SERBISYO SA PUBLIKO: BAGONG POLICE PATROL VEHICLE NG PNP-AGONCILLO, TINANGGAP NI MAYOR REYES AT PMAJ NOPRADA.


Tinanggap ng ating napakasipag at mahusay na Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang bago nating Police Patrol Vehicle kasama ang Officer-In-Charge ng Agoncillo MPS, PMAJ Broderick Noprada. Naroon din si Sir Corbito na isa rin sa kinatawan ng Agoncillo MPS.
Masaya ang ating Punong Bayan at ang Kapulisan sapagkat mas madaragdagan ang mga sasakyang mag-iikot upang masigurado ang kaligtasan ng ating mga kababayan, lalo’t higit ay maipagpapatuloy natin ang Mas Magandang Serbisyo Publiko para sa bawat Agoncillian.
“Palagi nating uunahin ang kapakanan ng ating mga kababayan. Isinasapuso natin ang isang paglilingkod na tapat sa Diyos at sa Bayan, Ang sasakyang ito ay gagamitin ng kapulisan para sa mas ligtas, mas maayos at mas magandang Agoncillo. Patuloy nating gagawin ang lahat upang madala sa ating bayan ang mga tulong na kagaya nito dahil pinangako natin sa ating mga kababayan ang isang lideratong maraming nagagawa at kumikilos ng maayos, tapat at tama.” -Mayor Reyes.
0 Comments