BIYAYANG HANDOG, PASKONG MALUSOG: GIFT GIVING PROGRAM MULA SA DEPARTMENT OF HEALTH

 




BIYAYANG HANDOG, PASKONG MALUSOG: GIFT GIVING PROGRAM MULA SA DEPARTMENT OF HEALTH

🎄✨
Ang tunay na kahulugan ng pagdiriwang ng pasko ay ang pagmamahalan at pagbibigayan, lahat ng tao, naniniwala ang DOH at ng ating lokal na pamahalaan na dapat maranasan ng bawat pamilyang Agoncillian ang isang masaya at malusog na pasko. Anuman ang ating pinagdaanan, kailangang hindi mawala ang paniniwala at ningning ng pag-asa sa ating mga puso.
Kanina ay isinagawa ng Department of Health ang kanilang Gift Giving Program sa pangunguna ng Assistant Secretary of Department of Health na si Dr. Ariel I. Valencia, MD, MPH kasama ang kanyang mga kapwa kawani ng DOH at pamunuan ng ating Municipal Health Office sa patnubay ni Dr. Richard Landicho.Naroroon din ang ating butihing Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ang ating Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza.
“Biyayang Handog, Paskong Malusoy” ang naging tema ng nasabing Gift Giving Program. Kagaya ng ating Lokal na Pamahalaan, minabuti ng mga taga DOH na gawin ang programang ito kapalit ng pagdaraos nila ng Christmas Party.Higit na mas kabuluhan at kaaya-aya.
Tinanggap ng ating mga kababayan na namamalagi sa PAGCOR Socio-Civic Center ang mga Noche Buena package mula sa ating mga mabubuting kaibigan.
Pasasalamat din ang ipinaabot ng ating mga kababayam sa kanila.
Maraming maraming salamat po!

Post a Comment

0 Comments