BB. MANALO MULA SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG AGRIKULTOR, TINANGGAP ANG PAGKILALANG GANTIMPALA AGAD





 BB. MANALO MULA SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG AGRIKULTOR, TINANGGAP ANG PAGKILALANG GANTIMPALA AGAD

🇵🇭✨
Iginawad ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangawalang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Adminsitrador Dr. Noel Mendoza at HRMO III Ma’am Angelica Anne Leonor ang Pagkilalang Gantimpala Agad kay Bb. Princess Manalo mula sa tanggapan ng Pambayang Agrikultor.
Ang pagkilala ito ay bunga ng kanyang determinasyon sa pagpapakita ng kahusayan sa pagiging magalang, mabilis at buong pusong dedikasyon sa tungkulin.
Ang buong lokal na pamahalaan ay bumabati sa iyong nakamit na parangal, Bb. Princess!

Post a Comment

0 Comments