PUSO AT MALASAKIT PARA SA KAPWA BATANGUEÑO 🇵🇭✨

 




PUSO AT MALASAKIT PARA SA KAPWA BATANGUEÑO

🇵🇭✨
“Maraming bayan ang nangangailangan ng tulong pero noong makita ko ang naging epekto nito sa Bayan ng Agoncillo at dahil sa ipinapakita nilang katatagan, minabuti kong magsagawa ng relief operations para sa kanila”. Ito ang mga salitang nasambit ni Madame Jojit Alegrado ng Alegrados Lights and Sounds and Catering Services habang nakikipag-usap sa mga kinatawan ng ating lokal na Pamahalaan.
Kanina ay nagtungo sila sa Brgy. Bilibinwang upang magpaabot ng mga relief goods, magpalaro at magpasaya sa ating mga kababayan. Bago pa simulan ang relief operation ay pinatikim muna nila ang ating mga kababayan ng masasarap nilang putahe na pangunahing produkto ng kanilang samahan.
Makikita sa ngiti ng ating mga kababayan ang saya lalo’t higit sa mga bata na pinatawa at tunay namang excited sa isinagawang childrens party ng mga kinatawan ng Alegrados Catering Services.
Pasasalamat naman ang nais ipaabot ng ating lokal na pamahalaan sa mga kaibigan nating bukas palad na tumutulong sa ating mga kababayan.
Muli, maraming salamat po.

Post a Comment

0 Comments