AGONCILLO VOLLEYBALL GIRLS SECONDARY, KAMPYON SA DIVISION MEET 2024


Pinatunayan ng ating manlalaro na sa tulong ng dedikasyon at disiplina, ang bawat bagay ay magiging posible. Ang ating koponan ay mula sa Agoncillo Senior High School at pinangasiwaan ng kanilang mahusay na Coach, Ma’am Nessa Zhara Medina kasama ang kanilang Punong Guro II, Ma’am Bernardita Andal at mga Guro.
Naroon din upang sumuporta ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes. Isa sa mga isinusulong ng ating Punong Bayan ay ang pagiging aktibo ng ating mga kabataan sa Isports. Dito ay nakita niya na dapat talagang mamulat ang bawat kabataang Agoncillian sa paglalaro upang maging healthy at makaiwas sa mga di kaaya-ayang gawain.
Matapos ang pagsuporta sa mga manlalaro ng Volleyball ay agad na nagtungo ang ating Punong Bayan sa Lungsod ng Calaca upang magbigay suporta sa mga manlalaro natin ng Baseball na kasalukuyang lumalaban din sa Championship kontra bayan ng Lemery.
0 Comments