AGONCILLO VOLLEYBALL BOYS ELEMENTARY, TAGUMPAY NA NAIPANALO ANG LABAN KONTRA BAUAN. TINANGHAL NA KAMPYON NG 2024 DIVISION ATHLETIC MEET. 🇵🇭✨





 AGONCILLO VOLLEYBALL BOYS ELEMENTARY, TAGUMPAY NA NAIPANALO ANG LABAN KONTRA BAUAN. TINANGHAL NA KAMPYON NG 2024 DIVISION ATHLETIC MEET.

🇵🇭✨
Nasungkit ng ating mga manlalaro ng Volleyball Boys Elementary ang pagkapanalo sa isinagawang Division Athletic Meet 2024 kontra Bauan Sub-Office. Muling pinatunayan ng ating mga manlalaro ang husay at lakas ng mga atletang Agoncillian.
Pagbati po ang ipinaabot ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa mga masisipag na guro, coaches, tagapagsanay at butihing Punong Guro ng Subic Elementary School Ma’am Jennifer Cabello.
Asahan niyo po ang buong pusong suporta at pagtitiwala ng ating Lokal na Pamahalaan. Ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng ating Bayan.
Mabuhay ang bawat atletang Agoncillian!
Mabuhay ang Bayan ng Magandang Agoncillo.

Post a Comment

0 Comments