PASKO SA AGONCILLO : PAG-IBIG, PAGKAKAISA, PAG-ASA, PAGBANGON AT PANANAMPALATAYA




 PASKO SA AGONCILLO : PAG-IBIG, PAGKAKAISA, PAG-ASA, PAGBANGON AT PANANAMPALATAYA

✨
Sa kabila ng mga unos na ating hinarap,
Dumilim man ng bahagya ang ating bayan,
Marami mang luha ang dumaloy sa ating mga mata,
Hindi magpapatinag ang bawat Pamilyang Agoncillian.
Kaunti na lamang araw ang ating hihintayin, bubuksan na sa publiko ang taunang pailaw sa ating bayan.
Pag-Ibig, Pagkakaisa, Pag-asa, Pagbangon at Pananampalataya. Ito ang diwa ng ating pasko.
Muli ay sisindihan natin ng liwanag ng pag-asa at ang kulay ng tunay na diwa ng kapaskuhan.
Sa bawat ninyong tahanan
Diwa ng pasko nawa'y makamtan.
Panatilihin natin ang diwa ng pasko sa ating mga puso.
Patuloy nawang mag-alab ang liwanag ng pag-asa sa atin.
Maligayang Pasko, Mahal naming Agoncillo.
Babangon tayo! ✨

Post a Comment

0 Comments