PAGPAPALISTA NG MGA KABABAYANG NASIRAAN NG TAHANAN, HANGGANG BUKAS NA LAMANG
Ang pagsusumite ng report ay hanggang bukas ng hapon, 5:00 PM lamang.
Para sa Paglilinaw:
Totally Damaged
• Ang bahay ay lubos na nasira at hindi na maaaring tirahan.
• Maaaring ito ay:
• Nilamon ng lawa ang bahay dahil sa bagyong Kristine
• Gumuho ang buong istruktura.
• Delikado na para sa mga residente dahil nasa danger zone o maaaring bumagsak anumang oras.
• Hindi na mare-repair o nangangailangan ng buong reconstruction.
Partially Damaged
• Ang bahay ay bahagyang nasira ngunit maaari pang tirahan.
• Halimbawa:
• Nasira ang bubong, bintana, o dingding.
• May parte ng bahay, tulad ng kusina, sala, o kuwarto, na nasira ngunit buo pa ang ibang bahagi.
• Maaaring ayusin o i-repair ang mga sira nang hindi kinakailangang gibain ang buong bahay.
Mga Kinakailangan:
• Report ng pinsala na may kalakip na larawan bilang patunay.
• Valid ID o Voter’s Certification kung walang valid ID.
Paalala:
Ang mga nakapagsumite na ng report sa barangay ay hindi na kailangang magpasa sa tanggapan ng MSWDO, dahil naipasa na ito sa amin.
Maraming salamat po!
0 Comments