PAMAMAALAM SA KAANAK NA HINDI MAN LAMANG NAMASDAN
Isinagawa ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kawani ng PNP, BFP, MDRRMO, PIO, PCG at mga kaanak ng mga kababayan nating nawawala dahil sa bagyong Kristine ang pag-aalay ng dasal at bulaklak sa tulong ni Rev. Fr. Randy Sodario ng Our Lady of Miraculous Medal Parish.
Binaybay natin ang mga lugar kung saan nawala ang ating mga kababayang sina Leodigario Laurel, Analyn Encarnacion at Florencio Daño. Napakalungkot ng balita na ibinigay ng mga kasapi ng ating Search and Retrieval Group kahapon dahil itinigil na ang paghahanap sa tatlo nating kababayan.
Sunod namang isasagawa ang pag-aalay ng banal na misa para sa mga kababayan nating namatay sa pananalasa ng bagyong Kristine noong Oktubre 24, 2024.
“Kay hirap mamaalam sa mahal sa buhay na hindi ko man lang namasdan, lalo pa’t higit limampung taon na kami magkasama”- Nanay Petronila Daño (Asawa ni Florencio Daño.



0 Comments