KABATAAN PARA SA BAYAN, TAYO NA MAGBAYANIHAN





KABATAAN PARA SA BAYAN, TAYO NA MAGBAYANIHAN 🇵🇭✨
“Bawat isa sa atin ay may kakayanan na makapagpabago ng lipunan, wala sa edad, wala sa kasarian ang pag-unlad. Alam ko na basta sama-sama, makakayanan natin ang lahat”- SK John Mark Hernandez.
Pinangunahan ng ating Sangguniang Kabataan Municipal Federation President Hon. John Mark Hernandez ang pagbabayanihan sa Brgy. Subic Ilaya kasama kanyang mga kapamilya at mga volunteers mula sa Barangay Barigon.
Nakakatuwa dahil muling nanunumbalik ang diwa ng bayanihan sa ating bayan. Patuloy pa din ang pagtawag ng ating Lokal na Pamahalaan sa mga kababayan nating may kakayanan na tumulong lalo na sa pagkukumpuni ng mga bahay at pag-aalis ng mga nakatambak na putik.
Tayo po ay patuloy na magtulungan sa pagsasaayos ng ating minamahal na bayan ng Agoncillo.
Maraming Salamat po!

#MagandangSerbisyoPubliko 

Post a Comment

0 Comments