PAGPUPULONG TUNGKOL SA MILITARY BRIDGE NA ILALAGAY SA SITIO SANDAL NA BATO, SUBIC ILAYA KASALUKUYANG ISINASAGAWA

 




TINGNAN: PAGPUPULONG TUNGKOL SA MILITARY BRIDGE NA ILALAGAY SA SITIO SANDAL NA BATO, SUBIC ILAYA KASALUKUYANG ISINASAGAWA

🇵🇭✨
Katuwang ang Philippine Army,Department of Public Work and Highways, Philippine National Police at Philippine Coast Guard, isinagawa ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza kasama ang ating Pambayang Inhenyero Engr. Cesar Enriquez ang isang napakahalagang pagpupulong tungkol sa ilalagay na Military Bridge sa Sitio Sandal na Bato sa Brgy. Subic Ilaya na makakatulong sa ating mga kababayan upang mas ligtas na makatawid patungong Bilibinwang at Banyaga.
Ayon sa Philippine Army, ang mga tulay na ganito ay yari sa bakal at dinisenyo upang maipatupad nang mabilis ang pagbibigay ng pansamantalang tawiran.
Katuwang ang DPWH District 3 sa pangunguna nina Engr. Benson Tesnado, Engr. Ryan Sauli at Engr. Christian P. Mendoza at maingat na pinaplano ang paglalagay nito.
Nagpalitan ng mga opinyon, tanong at sagot ang mga nakiisa sa pagpupulong. Patuloy pa din ang panghihikayat ng ating lokal na pamahalaan sa ating mga kababayan na may kakayahan na tumulong sa Clearing Operations dahil ayon sa DPWH ay nangangailangan sila ng suporta lalo’t higit sa manpower.
Sinabi ng mga kinatawan ng DPWH na priority nila ang mga National Road kaya lumalapit tayo sa iba’t ibang ahensya na makakatulong sa atin. Lahat ng ito ay ginagawa natin para sa ikagaganda ng ating komunidad.
Nasa pagpupulong din ang masisipag na kapitan ng Brgy. Subic Ilaya Kgg. Mario Almanzor at Bilibinwang Kgg. Cresing Almanzor upang magbahagi ng mga mungkahi at alamin ang mga plano ng lokal na pamahalaan para sa kanilang barangay.
Muli, pagsama-samahan nating itayo ang mas magandang bayan ng Agoncillo.

Post a Comment

0 Comments