PAGHAHATID NG TUBIG PARA SA MGA KABABAYAN NATIN SA BILIBINWANG AT BANYAGA 🇵🇭✨




 PAGHAHATID NG TUBIG PARA SA MGA KABABAYAN NATIN SA BILIBINWANG AT BANYAGA

🇵🇭✨
Kasalukuyang isinasagawa ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP-AGONCILLO) sa pamumuno ni Sir Jasper Jay Gengos ang pagbibigay ng malinis na tubig sa mga kababayan natin sa barangay Bilibinwang at Banyaga.
Ito ay mula sa inisyatibo ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes. Kahapon ay matatandaan natin na personal niyang binista at inalam ang kalagayan ng mga kababayan natin sa dalawang barangay at isa sa kanilang pinaka kailangan ay suplay ng malinis na tubig.
Patuloy ang pagsusumikap ng ating Punong Bayan katuwang ang iba’t ibang ahensya upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat Agoncillian. Kasabay nito ay tuloy pa rin ang pagbibigay ng malinis at maiinom na tubig sa ating munisipyo bilang pagtugon naman sa pangangailangan ng ating mga kababayang nananatili sa mga Out of Evacuation Centers o ating mga In-House Evacuees.
Walang tigil ang ating lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng magandang serbisyo publiko sa ating mga minamahal na kababayan. Simula bukas hanggang biyernes ay isasagawa naman ang pagsasaayos ng mga kalsada , mga linya ng tubig at kuryente.

Post a Comment

0 Comments