Pansipit Teen Health Kiosk 🇵🇭✨






 Pansipit Teen Health Kiosk

🇵🇭✨
Kanina ay nagsagawa ng pre-assessment para sa Level 1 accreditation ng Community-based Teen Health Kiosk sina Ella Rafaela A. Padua- Nurse I/ Adolescent Health and Development Program Manager, Ma. Krissel G. Caringal- Nurse II, Jerwin L. Garcia- Nurse II mula DOH, Marife Encarnacion at Danny Cabello. Nagbigay din sila ng mga IEC material upang maiwasan ang Teenage Pregnancy.
Sila ay malugod na tinanggap ng mga Brgy. Functionaries at volunteers pati na ng mga SK Officials.
Sa pakikipag-ugnayan kay SK Federation President Hon. John Mark Hernandez ay unti-unting naisasakatuparan na magkaroon ng Teen Health Kiosk sa bawat barangay sa bayan ng Agoncillo. Layunin ng THK na magbigay gabay, health education at iba pang programa para sa mga kabataan. Ito ang siyang magiging daan para sila ay magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at magkaroon ng bukas na kaisipan para sa mga mahahalagang bagay na makatutulong sa estado ng kalusugan ng kaisipan.
Patunay ito sa dedikasyon ng ating pamahalaang lokal sa sa pamumuno ni Mayora Cinderella Valenton- Reyes na makamit ng bawat Agoncillians ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng kalusugang pisikal at mental.
Mayroon na tayong:
✅️ RHU Teen Center
✅️ Unang Community- based (Brgy. Subic Ibaba)

Post a Comment

0 Comments