Karera de Paso, bagong tampok ng turismo ng Agoncillo


Ginanap ang kauna-unahang Karera de Paso sa Agoncillo, Batangas na dinaluhan ng mga karerista at mga turista mula sa iba’t-ibang lugar sa Batangas at ibang probinsya.

Ang Paso (trot) ay ang pagsulong ng isang kabayo na mas mabilis pa sa natural na paglakad pero mas mabagal sa karaniwang pagtakbo. Lulan ng tiburin (magaang karwahe) ang mga hinete na siya namang nagco-control sa tulin ng mga kabayo.

“Matagal na naman itong ginagawa (sa ibang lugar), kaya naisipan ko lang na bakit hindi natin dalhin dito sa bayan natin”, ani Ginoong Arthur Mendoza, residente ng Agoncillo at enthusiast ng pangangalaga at pangangarera ng kabayo.

Ang karera ng mga kabayo ay naka-ugalian na sa mga kalapit na bayan. Sa katunayan, kilala na ang mga Batanguenong hinete at handlers sa ibang probinsya. Ang pagtatampok ng naturang kaganapan sa bayan ng Agoncillo ay hindi lamang nagdulot ng pagbisita ng mga turista, manapa’y naipakilala din nito ang Agoncillo bilang umuunlad na bayan na hindi nakakalimot sa mga tradisyon. 






Post a Comment

0 Comments