LIGTAS KAININ ANG KARNENG BABOY DINE SA AGONCILLO 🇵🇭✨






 LIGTAS KAININ ANG KARNENG BABOY DINE SA AGONCILLO

🇵🇭✨
Miss mo ga ang malutong, masarap at katakam-takam na Karne ng Baboy? Aba'y kami'y namantikaan na ang labi!
Huwag kang mag-alala, safe at malinis ang karneng baboy na itinitinda sa ating Pamilihang Bayan. Bilang pagpapatunay, nagsagawa ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, mga Department Heads, mga empleyado at mga kapitan ng 21 barangay ng ating bayan ang isang "Porkylicious" na Boodle Fight sa loob ng ating G. Brotonel Municipal Events Center ngayong tanghalian.
Muli nating ibalik ang karneng baboy sa ating mga hapag kainan at huwag mangamba! Bili na po kayo at alam naming takam na takam na kayo♥️

Post a Comment

0 Comments