Coral na Munti National High School Teen Health Kiosk 🇵🇭✨




 Coral na Munti National High School Teen Health Kiosk

🇵🇭✨
Kanina ay nagsagawa ng pre-assessment para sa Level 1 accreditation sa Coral na Munti National High School Teen Health Kiosk sina Ella Rafaela A. Padua- Nurse I/ Adolescent Health and Development Program Manager, Ma. Krissel G. Caringal- Nurse II, Jerwin L. Garcia- Nurse II mula DOH, Marife Encarnacion at Danny Cabello. Nagbigay din sila ng mga tarpaulins upang mas mabilis malaman ng mga mag- aaral ang serbisyo ng nasabing THK
Sila ay malugod na tinanggap ni Ma'am Dorie Mendoza-Teen Adviser, Ma'am Glenda Mendoza- CNMHS School Head at Dra. Maria Melissa Ariola, Public School District Supervisor.
Sa pakikipag-ugnayan kay Dra. Ariola ay unti-unting naisasakatuparan na magkaroon ng Teen Health Kiosk sa bawat secondary school. Layunin ng THK na magbigay gabay, health education at iba pang programa para sa mga kabataan. Ito ang siyang magiging daan para sila ay magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at magkaroon ng bukas na kaisipan para sa mga mahahalagang bagay na makatutulong sa estado ng kalusugan ng kaisipan.
Patunay ito sa dedikasyon ng ating pamahalaang lokal sa pamumuno ni Mayora Cinderella Valenton- Reyes na makamit ng bawat Agoncillians ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng kalusugang pisikal at mental.
Mayroon na tayong:
✅️ RHU Teen Center
✅️ Unang Community- based (Brgy. Subic Ibaba)

Post a Comment

0 Comments