SERBISYO PARA ATING MGA KABABAYAN HATID NG MUNICIPAL HEALTH OFFICE 🇵🇭✨





 SERBISYO PARA ATING MGA KABABAYAN HATID NG MUNICIPAL HEALTH OFFICE

🇵🇭✨
Kasabay ng pagdiriwang ng National Lung Month, ang ating Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Richard Landicho ay nagsagawa ng iba't ibang libreng serbisyong medikal sa ating mga kababayan at kasalukuyang isinasagawa sa Plaza Elena Covered Court, Poblacion ngayong araw.
Kaagapay nila ang iba't ibang ahensya sa nasabing programa. Hatid ng Culion Foundation ang libreng X-Ray sa ating mga kababayan. Gayundin ay naghatid ang Generika Drugstore ng libreng RBS at pagkuha ng BP sa mga mamamayan na naroon.
Kasabay din nito ay pag-agapay ng ating MHO Nurse Virginia Calapatia at mga staff ng kanilang tanggapan katuwang ang mga BHW sa Samahan ng Diabetiko at Altapresyon ng Batangas. Isinagawa din nila ang PPD Testing sa mga bata upang matukoy kung malakas o mahina ang kalagayan ng kanilang mga baga.
Ang inisyatibong ito ng mga kawani ng MHO ay lubos na ikinatutuwa ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza at mga kawani sapagkat ito ay pagtugon natin sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan at pagpapadaloy ng ating paniniwalang "Magandang Agoncillo, Magandang Serbisyo Publiko"

Post a Comment

0 Comments