PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI NG ATING LAHI 🇵🇭✨



 PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI NG ATING LAHI

🇵🇭✨
"Bukas magiging mamamayan tayo ng Pilipinas, kung saan ang kapalaran niya'y magiging maganda sapagkat nasa mapagkalinga siyang mga kamay" mga salita na inusal ni Isagani kay Paulita Gomez sa El Felibusterismo na nilikha ng ating Pambansang Bayani Dr. Jose P. Rizal.
Malayo na ang narating ng Pilipinas mula sa mga pagsakop na dinanas ng ating mga ninuno kaya naman buong pusong nagpupugay ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ng ating butihing Ina ng Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Ama ng Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Adminstrador Dr. Noel Mendoza, mga Pinuno ng iba't ibang Departamento at bawat kawani sa ating mga natatanging Bayani na nagbigay kasarinlan sa ating Bayan.
Ang kanilang kabayanihan ay nananalaytay sa puso ng bawat Agoncillian at naikintal sa aming isipan ang kahalagahan ng pagmamahal sa sariling bayan. Maraming salamat sa lahat ng Bayani ng ating Lupang Sinilangan.
HAPPY NATIONAL HEROES DAY!

Post a Comment

0 Comments