BAGONG TRUCK PARA SA ATING SOLID WASTE MANAGEMENT
Kanina ay isinagawa ang pagpapasinaya at ribbon cutting sa ating bagong Truck para sa Solid Waste Management na binili ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador Dr. Noel Mendoza, mga pinuno ng iba't ibang Departamento at bawat kawani.
Ito po ay alay namin sa inyo aming mga kababayan. Nawa'y panatilihin natin ang kalinisan saan mang panig ng ating pamayanan. Ang Disiplina kapag inugali natin ay magbibigay ng magandang kinabukasan para sa ating mga susunod na henerasyon. Iba ang galak na madadala ng isang malinis na pamayanan, kaya naman umpisahan natin ito sa ating mga sarili at tahanan.
Sama-sama tayo patungo sa isang "CLEANEST AND GREENEST AGONCILLO"
0 Comments