LOGO MAKING CONTEST NG SANGGUNIANG KABATAAN, ISINASAGAWA BILANG BAHAGI NG LINGGO NG KABATAAN 2024






 LOGO MAKING CONTEST NG SANGGUNIANG KABATAAN, ISINASAGAWA BILANG BAHAGI NG LINGGO NG KABATAAN 2024

🇵🇭✨
Kasalukuyang nagtatagisan ng husay sa paglika ng logo ang mga kabataan ng bayan ng Agoncillo sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan Federation President Kgg. John Mark Hernandez at mga SK Chairperson ng iba't ibang barangay sa ating V. Maligalig Session Hall.
Ang nasabing kompetisyon ay may temang "From Clicks to Progress Youth Digital Pathways for Sustainable Development. Layunin ng paligsahan na ito na maipamalas ang natatagong talento ng ating mga kabataan sa makabagong panahon.
Ikinatuwa ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang aktibong pakikilahok ng mga kabataan at ang suporta ng Sangguniang Kabataan Agoncillo sa mga kapaki-pakinabang na programa gaya nito.
Samantala, sinabi ng ating SK Federation President na ang mananalong Logo ay gagamitin na bilang opisyal na logo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Agoncillo.
Ang nasabing paligsahan ay mayroong dalawang kategorya, 1. Logo ng Sangguniang Kabataan at 2. Official Seal of the Mayor na buhat sa mungkahi ng ating MENRO Mr. Antonio Maligaya na tinalakay sa kanilang naging pagpupulong kasama ang mga Management Committee Members ng ating Lokal na Pamahalaan.
Sina DILG-MLGOO Alberto Sandoval, PIO Christian Dave Luya at CMT Crystal Astoveza ang mga pipili ng mga magwawagi sa nasabing paligsahan.
"Mapalad kayo dahil mayroon kayong ganyang klase ng talento, Lahat kayo ay panalo na"-Atty. Cinderella Valenton-Reyes.

Post a Comment

0 Comments