LOCAL GOVERNANCE SUMMIT 2024 🇵🇭✨

 






LOCAL GOVERNANCE SUMMIT 2024

🇵🇭✨
Dumalo ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating mga Department Heads sa kasalukuyang isinasagawang Local Governance Summit 2024 na may temang: LGUs sa BAGONG PILIPINAS: SMART. RESILIENT. DRIVEN. sa Philippine International Convention Center (PICC) ngayong umaga.
Ang nasabing summit ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) kasama ang United Nations Resident Coordinator's Office (UN RCO), World Bank, Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (GIZ) GmbH, United Nations Development Programme (UNDP), United States Agency for International Development (USAID), United Nations Children's Fund (UNICEF), United Nations Human Settlements Programme (UN-Habitat), at iba pang mga ahensya ng ating Pambansang Pamahalaan.
Sa temang "LGUs sa Bagong Pilipinas: Smart. Resilient. Driven.", ang summit ay sumasalamin sa pangako ng Departamento na patatagin ang ugnayan sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan, na nagbibigay ng kapangyarihan sa kanila na maging mabisang katuwang sa pambansang kaunlaran.
Nilalayon nitong tipunin ang mga lokal na punong ehekutibo, mga nahalal na opisyal, LGU functionaries, policymakers, at iba pang stakeholder para talakayin ang mga inobasyon sa mga hamon sa pag-unlad, at mapadali ang pagpapalitan ng kaalaman at pagbabahagi ng mabubuting gawi upang palakasin ang kahusayan sa lokal na pamamahala para sa pinahusay na paghahatid ng serbisyo publiko at ang pagtatamo ng Sustainable Development Goals (SDGS).
Aktibo ang ating Lokal na Pamahalaan sa ganitong mga pagtitipon sapagkat ang ating Punong Bayan, Pangalawang Punong Bayan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador at bawat kawani ay naglalayong maipagpatuloy ang ating paniniwalang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.
Samantala, darating din sa nasabing Summit ang Ama ng ating bansa, H. E. President Ferdinand R. Marcos, Jr.

Post a Comment

0 Comments