DENTAL MISSION SA BARANGAY PAMIGA HATID NI KONSEHAL KIDLAT CARINGAL AT NG MHO 🇵🇭✨

 






DENTAL MISSION SA BARANGAY PAMIGA HATID NI KONSEHAL KIDLAT CARINGAL AT NG MHO

🇵🇭✨
Muli na namang isinagawa ng ating Masipag at butihing Konsehal Clark Eduard "KIDLAT" Caringal ang kanyang programang Libreng Bunot ng ngipin at Dental Check-up sa mga kababayan natin sa Brgy. Pamiga ngayong umaga.
Isang serbisyong maaasahan at umaaksyon ng walang pinipiling oras at panahon ang pangako ni Konsehal Kidlat sa ating mga minamahal na Agoncillians, katuwang ang ating Municipal Health Office ay palagian nilang ginagawa ang mga libreng serbisyo medikal na naglalayong mas mapataas pa ang antas ng kalusugan ng ating mga kababayan.
Kasama ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ay patuloy na isinusulong ng ating Lokal na Pamahalaan ang serbisyong kusang lumalapit at paglilingkod na walang pinipili. Kaya naman ang inisyatibong ito ni Konsehal Kidlat Caringal ay malaki ang naitutulong sa ating mas matibay at maayos na pagseserbisyo sa Publiko.
Katuwang si Dr. Joel Galapon, mga kasama sa
Called to Serve Dental Team kasama ang mga masisipag na kawani ng ating Municipal Health Office ay ninanais ni Konsehal Kidlat na mapagserbisyuhan ang mga kababayan ng tapat at may askyong maaasahan.

Post a Comment

0 Comments