BAGONG BAYANIHAN NG MAMAMAYAN, KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS PROGRAM 2024
Isinagawa sa Brgy. Panhulan ang isa sa mga bagong Programa ng Department of Interior and Local Government, ang KALINISAN sa Bagong Pilipinas Program kahapon, araw ng Biyernes ganap na ika-6:00 ng umaga.
Matapos ang programa na pinangunahan ng ating Lokal na Pamahalaan katuwang ang Pamahalaang Barangay ng Panhulan sa pangunguna ni Kgg. Herman Brotonel ay nagsagawa naman ang lahat ng nakiisa ng "Clean-Up Drive" sa mga lugar daanan ng barangay Panhulan kung saan nanguna dito ang ating DILG-MLGOO Sir Abet Sandoval, mga Pinuno ng Bawat Departamento ng ating Lokal na Pamahalaan at ilang mga mamamayan na boluntaryong nakiisa at tumulong sa nasabing linisan.
Lubos na ikinatuwa ng ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang isinagawang programa sapagkat isa sa kanyang mandato ang Malinis, Ligtas at Maayos na Pamayanan.
Ayon kay Mayor Cindy, “Bawat Kawani, Lingkod Bayani” yan ang mantra ng Civil Service, at dinagdagan niya ng “Bawat Mamamayan, Bayani ng Bayan”, sapagkat ang kalinisan at kaayusan ay tungkulin ng bawat isa.
Magugunita na ang Barangay Panhulan din ang nagwagi sa unang taon ng BRIGADA KALSADA ng ating LGU Agoncillo.
0 Comments