VICE GOVERNOR LEVISTE, DUMALAW AT NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG LANDSLIDE
Binisita ni Vice Governor Mark Leviste ang mga kaanak ng mga biktima ng Landslide kaninang umaga sa Sitio Manalao, Subic Ilaya, Agoncillo, Batangas.
Kasabay ng kanyang taos pusong pakikiramay ay ang tulong pinansyal na iniabot nya sa Pamilya Rimas. Isang malaking dagok para sa Pamilya Rimas ang pangyayaring ito at dasal niya ang kalakasan at katatagan ng Pamilya sa pagharap ng hamong ito.
0 Comments