BAYANIHAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN 🇵🇭✨

 





BAYANIHAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN

🇵🇭✨
Isa sa mga maipagmamalaki nating mga Agoncillians ay ang ating Pusong handang dumamay at kamay na handang tumulong sa isa't isa. Sari-sari ang mga kwento ng kalungkutan sa ganitong uri ng pagkakataon ngunit mangingibabaw pa din ang natatanging kwento ng pagkakaisa, damayan at pag-asa.
Sa kabila ng pagsubok na dala sa atin ng Bagyong #CarinaPH, ang ating Lokal na Pamahalaan ay ginagawa ang lahat upang maibigay sa ating mga kababayan ang serbisyong pinagtitibay ng pagmamahal at kawang gawa.
Kasama ang MDRRMO, PIO , MSWDO, MEO, PNP, MHO at ang Pamahalaang Barangay ng Pansipit sa pamumuno ni Kgg. Paul Tolentino ang ating minamahal na Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Vice Mayor Atty. Daniel Reyes, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal ay naniniwala na sa pamamagitan ng bayanihan, ang bawat mabigat na hamon ay gumagaan.

Post a Comment

0 Comments