PAMAHALAANG LOKAL NG AGONCILLO NAKIISA SA FLAG RAISING CEREMONY NG BRGY. BANGIN


Kasalukuyang nakiiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Agoncillo sa Flag Raising Ceremony ng Brgy. Bangin sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes, mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Department Heads ngayong umaga sa kanilang Barangay Covered Court.
Pagkatapos ng Flag Raising Ceremony ay agaran namang sisimulan ang "Kumustahan sa Barangay" isang programa ng ating Punong Bayan na naglalayong mas mapalapit ang bawat Barangay sa ating Lokal na Pamahalaan. Ito ay isang daan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.


0 Comments