KUMUSTAHAN SA BARANGAY, ISINAGAWA SA BRGY. BANGIN 🇵🇭✨







KUMUSTAHAN SA BARANGAY, ISINAGAWA SA BRGY. BANGIN

🇵🇭✨
Kasalukuyang isinasagawa sa Brgy. Bangin Covered Court ang Programa ng ating butihing Mayora na "KUMUSTAHAN SA BARANGAY". Isa itong programang naglalayong maibaba sa bawat Barangay ang mga programa, proyekto at adhikain ng bawat kagawaran ng ating Lokal na Pamahalaan.
Isa-isang tinatalakay ng ating mga Department Heads ang kanilang mga Programa na makakatulong sa barangay at sa ating mga kababayan.
Sa ganitong pamaraan ay mas naririnig din ng mga taga Lokal na Pamahalaan ang boses ng ating mga kawani o Lingkod Barangay ukol sa kanilang mga nais na proyekto at mga suhestiyon para sa ikauunlad pa ng kanilang Barangay.
Sa programang "Kumustahan sa Barangay" sa mas masisigurado natin ang isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.

Post a Comment

0 Comments