PAGBATI SA MGA NAGTAPOS 🇵🇭✨

 




PAGBATI SA MGA NAGTAPOS

🇵🇭✨
"LAGI NIYONG TATANDAAN, LAHAT NG ATING GAGAWIN AY KONEKTADO SA ATING PUSO"- Mayor Reyes.
Dumalo ang ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes sa isinasagawang Sabayang Pagkilala at Pagtatapos ng mga batang nasa ika-anim na baitang mula sa iba't -ibang paaralang elementarya sa DepEd Agoncillo Sub Office.
Higit anim na daan ang mga mag-aaral na nagsipagagtapos at tumanggap ng pagkilala. Kasama nila ang kanilang mga magulang at mga guro.
Panauhing Tagapagsalita si Gng. Leslie A. Padama at Panauhing Pandangal naman ng nasabing pagdiriwang si Engr. Christian P. Mendoza.
Isa sa mga aral ng mensahe ng ating Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan sa ating mga nagsipagtapos ay "Isipin nyo na ang tunay nyong pangarap at kapag alam nyo na, doon kayo mag-focus". Ikinatuwa naman ng ilan nating kababayan ang pagiging simple ng mag-asawang Reyes sapagkat ang kanilang nag-iisang anak ay kasabay ng kanilang mga anak na nagtapos sa ika-anim na Baitang. Si Dan Gabriel V. Reyes ay isa sa mga mag-aaral ng Paaralang Sentral ng Agoncillo na nagtapos ngayong umaga sa ginanap na Sabayang pagkilala at pagtatapos sa ating Plaza Elena Covered Court.
Para sa ating mga nagsipagtapos, kayo ay patuloy na mangarap dahil ang katuparan ng inyong mga pangarap ay kasayahan ng ating Lokal na Pamahalaan at isang susi tungo sa Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.

Post a Comment

0 Comments