CONGRATULATIONS CLASS OF 2024!


Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihin Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punong Bayan Atty. Daniel D. Reyes kasama ang bawat miyembro ng Sangguniang Bayan at bawat Kawani ay bumabati sa lahat ng magsisipagtapos para sa taong panuruan 2023-2024!
"Kayo ay tunay na kayamanan ng minamahal nating Bayan ng Magandang Agoncillo". Nawa'y ang bawat isa sa inyo ay umukit ng kasaysayan bilang isang matatag na Agoncillian. Ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng inyong Pamilya at ang Tagumpay ng bawat Pamilyang Agoncillian ay Yaman at Dangal ng AGONCILLO".
Mabuhay po ang bawat Guro ng bawat Paaralan na gumabay sa ating mga mag-aaral!
Mabuhay ang mga Magulang na patuloy ang pagsusumikap upang mabigyan ang kanilang mga anak ng maganda, matatag at maayos na kinabukasan!
Mabuhay ang bawat magsisipagtapos!
0 Comments