Nilagdaan ng ating Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang Executive Order No. 24, Series of 2024, ngayong araw Abril 25, 2024.







 Nilagdaan ng ating Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang Executive Order No. 24, Series of 2024, ngayong araw Abril 25, 2024.

Ito ay naglalaman ng naging rekomendasyon ng mga miyembro ng Pre-Disaster Response Assessment (PDRA) sa ginanap na pagpupulong kanina.
Idineklara ni Mayor na simula bukas Abril 26, 2024 hanggang May 10, 2024 ay Modular Distance Learning (MDL) ang lahat ng mag-aaral sa Bayan ng Agoncillo, sa lahat ng antas.
Ang layunin nito ay mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral, mga guro, ibang kawani ng DepEd at ng mga magulang na naghahatid-sundo sa eskwelahan laban sa nararanasang matinding init.
Naglalayon din ito na makatugon sa panawagan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magtipid ng kuryente, dahil sa nangyayaring critical na level ng grid para sa supply ng electricity.

Post a Comment

0 Comments