EsPMATIC COURSE COMPLETION RITES ng SDO BATANGAS PROVINCE, ISINAGAWA SA MAGANDANG AGONCILLO


Saksi ang Bayan ng Agoncillo sa isinagawang Completion Rites ng EsPMATIC Course ng Schools Division of Batangas Province na ginanap sa ating Municipal Events Center ngayong umaga.
Samantala, nakiisa din sa nasabing pagtatapos ang ating butihing Vice Mayor Atty. Daniel D. Reyes na mainit na tinanggap ang ating mga bisita. Kaagapay ng ating Lokal na Pamahalaan ang mga mahuhusay at dedikadong guro at pamunuan ng DepEd Agoncillo Sub Office sa pangunguna ni Dr. Maria Melissa Ariola.
Ang mga ganitong uri ng pagkakataon ay lubhang ikinasasaya ng ating minamahal na Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes sapagkat ito ay nagbubukas ng mga pinto ng oportunidad para sa ating bayan at lalo't higit ay mas napapalawak natin ang ating pamilya.
0 Comments