MAYOR REYES, PINANGUNAHAN ANG REGIONAL/ PROVINCIAL WOMEN's MONTH CELEBRATION SA BATANGAS CITY!
Ngayong araw ay isinasagawa sa Batangas Provincial Capitol, Batangas City ang Regional/ Provincial Women's Month Celebration sa pangunguna ng Provincial Women's Coordinating Council. Ang ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang kasalukuyang pangulo ng samahan na nakakasakop sa buong lalawigan.
Tampok sa selebrasyong ito ang mga aktibidades para sa ating mga minamahal na kababaihan sa kanilang programang "Serbisyo para kay Juana" kung saan mayroong Job and Food Market Fair, Libreng Manicure, Pedicure, Masahe, Gupit at naroroon din ang ilang mga commercial booth na magbibigay ng iba't ibang serbisyo.
Ipinagmamalaki din ng ating Mayora ang mga produkto ng ating bayan na nakadisplay at mabibili sa ating booth.Ito ay bahagi ng Batangas Community Food Market na nilahukan ng iba't ibang probinsya ng CALABARZON, Bayan at mga Lungsod sa lalawigan ng Batangas.
Tunay na Mahuhusay ang mga Juanang Agoncillian! Sila ang lakas ng ating Bayan at Puso sa likod ng Magandang Agoncillo, Magandang Serbisyo Publiko. Mga babaeng hindi basta BABAE lang! 



0 Comments