BAKUNA KONTRA RABIES PARA KAY BANTAY AT MUNING







 BAKUNA KONTRA RABIES PARA KAY BANTAY AT MUNING

✨🐶🐱
Isinagawa ng tanggapan ng Municipal Agriculture sa pangunguna ng ating Municipal Agriculturist Ma'am Oliva Mirasol ang Dog and Cat Registration kasabay ng pagtuturok ng Anti-Rabies Vaccination sa Coral na Munti ngayong araw.
Ang programa nilang ito ay bahagi ng Rabies Awareness Month ngayong Marso na may temang "Rabies Free na Pusa't Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino".
Palagiang isinusulong ng ating Lokal na Pamahalaan ang pagbibigay ng libreng bakuna sa ating mga alagang hayop partikular sa mga aso at pusa. At dahil tayo ay magdiriwang nga ika-75 taong pagkakatatag, iminungkahi ng ating butihing Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes na gawin na lamang ₱75.00 ang registration para sa ating mga alagang aso. Kalakip ng registration na ito ay ang mga libreng bakuna sa ating mga alaga.
Ang mga alagang may bakuna na Kontra Rabies ay mahalaga upang masigurong ligtas sa Rabies ang ating bayan kaya naman tayo po ay magtulong-tulong sa paglikha ng isang bayang Rabies Free!
✍🏻Christian Dave N. luya
📷 Office of the Municipal Agriculture

Post a Comment

0 Comments