MATAYOG ANG SARANGGOLA AT PAPAGAYO DINE SA AGONCILLO!




 MATAYOG ANG SARANGGOLA AT PAPAGAYO DINE SA AGONCILLO!

🪁✨
Mga Kababayan nating mahilig sa Saranggola at Papagayo, ito na ang Time niyo!
Hanapin na ang inyong nakatagong Tansi, plastik at gumawa na ng sumba at baskagan dahil sa darating na April 2, 2024 ay magkakaroon ng "Lipad Papagayo, Angat Agoncillo- Kite Fun Flying at Kite Flying Workshop" katuwang ang Samahan ng Kite Flyers ng Batangas.
Kung ikaw ay interesado na lumahok sa ating workshop at exhibition at ikaw ay taga dine sa minamahal nating Agoncillo, aba'y tawag na ng kasamang magtataas para tuloy laang ang iyong tustos! Punta na sa Mayor's Office at magpalista ng LIBRE mula March 11 hanggang March 29 , 2024 at hanapin si Ma'am Charlyn Dela Luna.
Masayang gawain ng magbabarka, anumang edad ay pwede! Kulayan natin ang ating magandang himpapawid sa tulong ng ating mga papagayong tunay namang likha ng sining!
Wag mag-alala at ere naman ay hindi maghahalabid dahil doon gagawin sa kaluwangan sa Pansipit (Collantes Softball Field).
Kita kits po tayo!
Lahat ng makikilahok ay may nakatangad ng Regalo galing sa ating LGU, kaya sali na!

Post a Comment

0 Comments