ABANTE BABAENG AGONCILLIAN! πŸ’œπŸ‡΅πŸ‡­✨






 ABANTE BABAENG AGONCILLIAN! πŸ’œπŸ‡΅πŸ‡­✨

Hindi matatawaran ang napakalaking ambag ng kababaihan sa lipunan. Sila ay nagsisilbing bayani ng bawat tahanan at lakas ng bawat kalalakihan. May puso para sa pamilya at sa bayan. Kaya marapat lamang na sila ay bigyan ng kahalagahan.

Isang kasaysayan naman sa ating bayan ang pamununo ng isang Dakilang Babae sa katauhan ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes na mayroong sipag, dedikasyon at nag uumapaw na pagmamahal sa buong Agoncillo. Ginugugol ang kanyang oras sa paglilingkod ng tapat sa Diyos at sa Bayan.  Isang Ina na kumakalinga sa kanyang nasasakupan na walang pinipiling oras at panahon, walang sinisino at tunay na may malasakit sa ating lahat.

Kami, ang Pamahalaang Lokal ng  Bayan ng Agoncillo ay kasama ninyo sa pagdiriwang ng 2024 National Womens Month na may temang: "LIPUNANG PATAS SA BAGONG PILIPINAS: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!"

Maraming salamat sa bawat kababaihan sa ating lipunan.

Kaya sa ating mga Ina, Inay, Ate, Nanay, Nanang, Mama, Ineng, Tagay, Mommy, Mamsy at Mudrakels, Mabuhay po kayo! 

#MagandangAgoncillo

#MagandangSerbisyoPubliko

#AbanteBabaengAgoncillian

Post a Comment

0 Comments