Ngayong araw sa naganap na year-end activity.

 


“Let us always choose to be happy!” - Yan ang sinabi ng ating Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na siya ring Presidente ng Provincial Women Coordinating Council (PWCC), ngayong araw sa naganap na year-end activity.
At “happy” indeed ang mga kababaihan ng MWCC Agoncillo sapagkat itinanghal na kampeon ang ating mga mananayaw sa dance contest na nilahukan ng 5 kopononan mula sa iba’t ibang distrito ng ating lalawigan.
Ginanap ang nasabing patimpalak sa Valentino Resort & Spa, San Jose, Batangas, at dinaluhan ng lahat ng representante ng kababaihan sa buong Batangas.
Kasama dito sina Konsehal Sarah Mendoza, presidente ng TALA at Samahang Batangueña Agoncillo, si Direktora Josie Encarnacion, presidente ng Agoncillo Zumba Toners, Rochelle Andrada, presidente ng Agoncillo Women Sewing at syempre ang ating masipag na MSWDO Josalyn Cortez.

Post a Comment

0 Comments