Ipinamahagi ang mga organikong pataba sa iba’t-ibang farmer organizations sa ating bayan.

 





December 5, 2023

“Patabain natin ang lupang tataniman ng mga binhi. “, “Tangkilikin ang sariling atin.” Iyan ang ilan sa mahahalagang mensahe ng ating Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa naganap na distribution ng organic fertilizers.
Ipinamahagi ang mga organikong pataba sa iba’t-ibang farmer organizations sa ating bayan. Pinangunahan ng ating masipag na Municipal Agriculturist, Ms Oliva Mirasol ang nasabing programa.
Dumalo rin sa nasabing activity sina Konsehal Vio Cacao at Konsehal Wilbert Catena.
Bahagi ang pondong ito sa galing sa Department of Agriculture.
Patuloy na pinalalakas ang mga programa sa agrikultura para sa food security, self-sustenance at livelihood ng ating mga kababayan.

Post a Comment

0 Comments