“We should not expect anything less from people who serve in the government, whether elective or appointive positions.”



“We should not expect anything less from people who serve in the government, whether elective or appointive positions.” - Ito ang sinabi ni Atty. Marilyn B. Yap, Chairperson ng Civil Service Commission (CSC) sa unang araw ng BANYUHAY.
Dinaluhan ito ng mga heads ng government agencies at local government units mula sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas, sa Manila Hotel, October 22, 2026.
Maraming isinusulong na pagbabago at reporma ang CSC upang lalong maging maayos ang pagsisilbi ng mga kawani ng pamahalaan sa buong bansa. Kaya gamit ang salitang “Banyuhay” na ang ibig sabihin ay BAGONG ANYO AT BUHAY.
Kahit ang kasalukuyang Qualification Standards (QS) ay nirereview at isinasaayos sa paraan na magkaroon ng maraming opportunities at more equal access ang mga tao sa mga posisyon sa gobyerno.
Patuloy ni CSC chair, “palagi tayong talo kung hindi natin aakuin ang responsibilidad. Hindi na para baguhin ang buong Pilipinas… kundi ikaw, kung nasaan ka.
Kung ikaw ay tagatimpla ng kape, o kung nagwawalis… siguruhin mo na ikaw ang pinakamagaling magtimpla ng kape… o ikaw ang pinakamagaling magwalis.
Hanapin natin ang lahat ng ating kagalingan, dahil iyon ang core ng Filipino - Magaling, may tiwala sa sarili.”

Post a Comment

0 Comments