Bilang pag-uumpisa ng Elderly Week celebration ay nagkaroon ng zumba marathon na pinangunahan ng ating mga seniors. Ginanap ito noong October 19, 2026, sa Plaza Elena.
Syempre, pinangunahan ito ng ating OSCA head, Gng. Purificacion Sarmiento at MSWD head, Ms Josalyn Cortez.
Buong suporta naman ang ibinigay ng lokal na pamahalaan simula sa ating masipag na mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Vice Mayor Atty. Remjelljan Humarang, at SB Chair on Family, Women and Social Services Atty. Sarah Mendoza.
Ipinamalas ng ating mga elderly ang kanilang husay, galing at tibay sa pagzuzumba. Masaya ang lahat at buhay na buhay ang dugo na mainam para sa mas malakas at malusog na pangangatawan.


0 Comments