Ang lokal na pamahalaan, sa pangunguna nina Mayor Atty. Cindy Valenton Reyes at Vice Mayor Atty. Remjell Humarang at Sanggunian Bayan Members, ay patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkalusugan ng ating bayan.
Ang pagkilalang natanggap ng Agoncillo RHU bilang Bakuna Champion Prime-Bronze Awardee noong October 23, 2026, ay tagumpay nating lahat dahil sa sama-samang pagkilos, malasakit, at paglilingkod para sa ating mga kababayan.
Sana ay mas pag-igtingin pa natin ang pagkakaisa at suporta para sa malusog , mas ligtas at mas protektadong mga bata sa ating bayan. Magtiwala po tayo na safe ang mga bakuna at mas makabubuti sa ating mga anak na sila ay may proteksyon laban sa tigdas, rubella at iba pang nakamamatay na sakit.


0 Comments