Patuloy na pinagtitibay ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang ugnayan at pakikiisa sa mga paaralan bilang mahalagang katuwang sa paghuhubog ng kabataan at pagpapaunlad ng komunidad.
Ngayong araw, Setyembre 21, 2026, nakiisa ang mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, PNP Agoncillo Chief, PMAJ John Glenn Sablan, PSDS Dr. Maria Melissa Ariola, Pamahalaang Barangay ng Pook, sa Flag Raising Ceremony ng Pook Elementary School, kasama ang mga guro, mag-aaral, at iba pang stakeholders ng paaralan.
Sa pamamagitan ng simpleng pakikiisa sa seremonyang ito, naipapakita ang pagpapahalaga sa disiplina, pagmamahal sa bayan, paggalang sa ating pambansang simbolo, at pagkakaisa ng buong pamayanan.
Kasabay nito, naganap din ang pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Sir Hilario Garcia upang malaman ang mga proyekto, pangangailangan at programa na makakatulong sa paaralan.
"Disiplinado, Maayos at Nakakatuwa ang mga mag-aaral ng Pook ES. May pagpapahalaga sa oras (Cinderella Time) at malinis ang paligid ng paaralan." Isa ito sa mga naging komento ng ating Punong Bayan.
Ang mga inisyatibo na tulad nito ay nagpapakita ng ating pagyakap sa bawat sektor ng ating bayan lalo't higit sa mga paaralan sapagkat naniniwala tayo na ang bawat kabataan ay pag-asa ng ating minamahal na bayan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments