Ang lokal na pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department Heads sa pangunguna ng ating Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati sa lahat ng ating manlalaro ng Baseball na nagwagi sa katatapos lamang na De La Salle Lipa Friendly and Solidarity Cup, Baseball Little Olympics.
Ang inyong pagkapanalo ay nagpapakita ng dedikasyon at husay ng bawat Agoncillian. Kayo ay tunay na dangal ng Bayan ng Agoncillo.
Pagbati rin ang nais nating ipaabot sa lahat ng tao na kasama ninyo sa laban na ito. Sa inyong mga tagapagsanay, magulang at mga tagasuporta.
Mabuhay kayo!
Mabuhay ang lahat ng Atletang Agoncillian.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments